Cabulisan,
Cristian-lex Mari
Tusok
dito, tusok diyan. Kapag gutom ka, saan mo pinagkakasya ang iyong barya? Kahit
saan ka man lumingon, tiyak dito pa rin ang bagsakan! Sa halagang limang piso,
may sampung fishball ka na.
Ang
mga Pilipino ay mahilig sa mga street foods at marahil bahagi na ito ng ating
kultura. Pinaghalong harina, paminta, asin atbp na sasabayan mo ng sukang may
pipino o sibuyas, minatamis at maanghang na sauce. Sa presyong pasok sa budget,
nakamura ka na, nabusog ka pa! Ngunit patok nga ba ito sa iyong kalusugan?
Fishball,
squidball, chickenball, kikiam, ito ang mga karaniwang itinitinda sa labas ng
paaralan o sa mga kalye. Simpleng mga pagkain pero kapag binabad na sa mainit
na mantika, nagiging mataba. Ayon sa DOST Reasearch Institute, ang mga pagkaing
tusok-tusok ay wala talagang totoong karne, ito raw ay mataas sa sodium, mataas
ang seasonings dahil kapag nilalasahan mo ang lasa niya kala mo totoong manok,
at maraming kemikal pantagal buhay ng pagkain.
Maari
rin makontamina ang mga pagkaing ito ayon sa isinagawang experimento ng Food
and Nutrition Resaerch Institute ng DOST kung saan nakitaan nila itong mga pag
kain ng: 1) Escherichia Coli, isang mikrobiyo nakikita sa ating bituka na
makakasira ng ating kidney o magka malalang diarrhea, ngunit hindi namna lahat
ay nakakapinsala. 2) Salmonella, isang mikrobiyo na tumatagal ng isang linggo
hanggang ilang buwan sa ating katawan na pwede maging dahilan ng iba’t ibang
sakit tulad ng typhoid fever, para typhoid fever, o mga sakit nakukuha rin sa
ibang pagkain. 3) Campylobacter isang mikrobyo na nakukuha kapag hindi naluto
ng mabuti ang pagkaing sartificial.
Dagdag
dito, ang 4) Vibrio Parahaemolyticus, na madalas natatagpuan sa mga pagkaing
mag artificial na isada, hipon, at molusko na nag dudulot ng pananakit ng tiyan
at pag susuka. 5) Bacillus spp, isang spore na kayang mabuhay sa mainit na
temperatura na nagdudulot ng pagkalason dahil sa pagkain. At 6) Clostridium
Perfringens, ay isang spore na madalas matagpuan sa pagkain mag artificial na
karne na nag dudulot ng sakit ng tiyan, diarrhea , o pagka lason.
Ang
mga kadahilanan kung bakit ito na kokontamina ayon sa FNRI ay kung saan ito
itinatambak, linuluto, kinakain, ano ang ginagamit sa pagluto, pagkain,
paglinis, at ang nag titinda nito mismo. Ayon parin sa FNRI ang maling o hindi
malinis na pag hawak ng mga pagkaing ito ay isa sa pangunahing rason king paano
ito makokontamina at sa kaulanan manganganib na ang mga kakain nito.
Kasanayan
na ito ng mga Pinoy, sino nga ba nag hindi makakapag oo sa sulit na mirienda
matapos ang klase o trabaho. Hindi naman masama ang pagkain sa mga ito, basta
huwag lang araw-arawin. Ngunit kailangang maging mapanuri at alerto sa pagpili
ng pagbibilhan. Hindi tiyak na sa malinis ito ginawa. Laging tatandaan na
masarap ang masama sa katawan ang sobra.
MacatuladJB, R., & Renée. (n.d.). JB & Renée Macatulad.
Retrieved from https://www.willflyforfood.net/2017/09/10/filipino-food-guide-discovering-philippine-street-food/ Castro, N. D. (n.d.).
Microbiological Quality of Street Foods. Retrieved from https://www.academia.edu/19121722/Microbiological_Quality_of_Street_Foods S&T Media Service.
(n.d.). Home-cooked meals best for health, DOST-FNRI says. Retrieved from http://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/49-2018/1427-home-cooked-meals-best-for-health-dost-fnri-says.html Nutritional
Guidelines for Filipinos: A prescription to good nutrition. (n.d.). Retrieved
from
http://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/57-nutritips/food-and-nutrition?start=9
Comments
Post a Comment