Mangulad, Maya Lin
Marami ang epekto ng Cyber Bullying sa isang tao tulad
nalamang ng "insecurities" sa sarili, pagkakababa ng
"self-confidence", pagiging malungkot at "negativity" sa
sarili. Ang mga ito ay dahilan ng mga pangaasar o pangungutya ng mga tao sa mga
pictures o videos na pinopost ng nabubully. Sa mga konting pangaasar
nagsisimula ang lahat. Hindiman natin ito sinasadya ngunit ito pa rin ay may
epekto sa nabubully. Sa konting iyon, kapag iyong pinagsama-sama ay magiging
malaking problema na ito. Ito ay magsisimula sa pagiging "insecure"
sa sarili, sa itsura, sa kilos at galaw, at sa mga pinopost. Kapag lumaki pa
ito, magreresulta na ito sa pagkababa ng self-confidence. Nahihiya na lumabas o
makisalamuha sa ibang tao. Kinalaunan, puro mga negatibo lamang ang naiisip nya
tungkol sa sarili nya. Minsan sa sobrang pagkalungkot at pagooverthink sa mga
bagay ay naiisip na lamang ng mga nabubully na magpakamatay na lamang upang di
na maramdaman ang sakit at kahihiyan.
Wag natin hayaan na ito ay mangyari. Tayo ay magsama-sama
upang wakasan o tapusin na ang Cyber Bullying hanggat maaga pa upang hindi na
ito lumalala pa at umabot pa sa pagkawala ng isang buhay na biyaya ng ating
mahal na Diyos.
Cyberbullying, ito
ang tawag sa paggmit ” Internet “at iba pang kaugnay na teknolohiya para sadya
at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito,
lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y
matigil na. Sa kahulugan pa lamang nito ay masasabi nating ito ay maaring
magkaroon ng negatibong epekto sa ibang tao, lalo na sa mga kabataan ngayon. Sa
kasalukuyan, tayo ngayon ay nasa “iGeneration”, ibigsabihin. Sa isang pindot
lamang sa telepono or kompyuter, maari mo na magawa ang lahat
Maraming epekto ang cyberbullying, isa rito ang mapahiya
sila sa ibang tao. Natural lamang na mapahiya o ayaw na pumasok dahil
takotmapahiya, mainsulto at iba pang negatibong epekto na mararamdaman ng isang
biktima ng CYBERBULLYING.
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete