Pasion, Hazel Anne
Ang pagpapaturok ng petroleum jelly na siyang
naging solusyon upang mabigyan ang tao ng kompiyansa sa sarili na siya ring
nagbigay ng pasakit sa mga taong gumagamit o nagpapaturok nito. Ito ay
napakadelekadong gawain na walang kasiguraduan kung ito ay eepekto o magiging
maayos ang proseso.
Tulad na lamang ng sinapit ng magkaibigan na
tungo pa sa Cabadbaran, Agusan del Norte na nagpaturok ng mumurahin na
nagkakahalaga lamang ng 500 pesos upang makamit ang gandang kanilang minimithi.
Ayon sa pahayag ng magkakaibigan naging maayos naman ang proseso nung una
ngunit makalipas ang ilang buwan onti onti na nilang nararamdaman ang masamang
epekto nito. Tulad na lamang ng pamamaga at paglawlaw ng parteng kanilang
pinaturukan. Ang dahilan nito ay ang petroleum jelly na itinurok sa kanilang
mukha.
Ayon kay Dr. Henry Claraval isang facial
plastik surgeon. Ayon sa kanya napakadelekado ang pagpapaturok ng tinunaw na
petroleum jelly sa ating katawan dahil hindi dapat ito ginagamit sa pangpadagdag
ng kahit ano sa ating katawan. Hindi rin dapat ito tinuturok sa mukha dahil
lubha itong delekado at hindi ito tinatanggap ng ating katawanat kadalasan ang
katawan natin tinatanggap ito bilang isang forean body na nagiging dahilan ng
pamamaga at pamumula. Ayon pa sa kanya kung gustong magpaturok mas mainam na
lamang na sa mga lisensyadong dokyor nalamang dahil mas alam nila kung saan
ituturokat kung anong produktong kanilang gagamitin.
Dr. Oro Ricardo Quinones isang Cosmetic Surgeon
ang nagopera sa magkakaibigan upang matanggal na ang kalbaryong kanilang
iniisip. Kaya kung may planong magpaganda o magpadagdag wag ng ituloy kung sa
mga mumurahin lamang mag papaturok baka mauwi pa sa matinding disgrasya.
Comments
Post a Comment