Skip to main content

Kahirapan: Problema ng Bayan


Bargado, Jomariez


Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

"Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging siyang tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw araw na pamumuhay. "Ang salitang kapit sa patalim" ay maiuugnay dito. Dahilan sa paglisan sa sariling bayan at mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan. narito ang ilang halimbawa ng kahirapan sa Pilipinas Angpagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan .

Ano-ano Ang dahilan ng Kahirapan? Ito ay Ang pag kakaroon ng Hindi pantay na pamamalakad ng pamahalaan naibubulsa ng iilan. Ang kaban ng bayan na Sana para sa Taong bayan walang maayos na trabaho,pagpili ng mga empleyado o age limit at mga Taong Hindi nakakapag aral dahilan ng Kahirapan

Ano-ano Ang pangunahining sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas ? Kawalan ng maayos na trabaho. Kaya't Ang mga pilipino ay naiiwan nila Ang kanilang mga Mahal sa buhay para lang mag hanap buhay sa ibang bansa

Bakit may mga Taong nakagagawa ng masama sa kanyang kapwa ? Ito Rin ay isang halimbawa ng pagnanakaw o pag kapit sa patalim dahil sa kawalan ng maayos na pag kalinga ng magulang o kagipitan sa buhay ng isang Tao

Bakit may patuloy paring naghihirap sa Pilipinas? Dahil sa Ibat-ibang aspeto sa buhay Na walang kakayahang mag karoon ng maayos na pamamalakad ng pamahalaan at dahil dito bumababa Ang ekonomiya ng bansa


REFERENCE: https://www.academia.edu/27152389/Kahirapan_sa_pilipinas_Ang_kahirapan_ang_isa_sa_mga_mabibigat_ng_problema_ng_ating_bansa

Comments

Popular posts from this blog

Ano Nga Ba Ang Maaaring Epekto ng Cyber Bullying sa Isang Tao?

Mangulad, Maya Lin Marami ang epekto ng Cyber Bullying sa isang tao tulad nalamang ng "insecurities" sa sarili, pagkakababa ng "self-confidence", pagiging malungkot at "negativity" sa sarili. Ang mga ito ay dahilan ng mga pangaasar o pangungutya ng mga tao sa mga pictures o videos na pinopost ng nabubully. Sa mga konting pangaasar nagsisimula ang lahat. Hindiman natin ito sinasadya ngunit ito pa rin ay may epekto sa nabubully. Sa konting iyon, kapag iyong pinagsama-sama ay magiging malaking problema na ito. Ito ay magsisimula sa pagiging "insecure" sa sarili, sa itsura, sa kilos at galaw, at sa mga pinopost. Kapag lumaki pa ito, magreresulta na ito sa pagkababa ng self-confidence. Nahihiya na lumabas o makisalamuha sa ibang tao. Kinalaunan, puro mga negatibo lamang ang naiisip nya tungkol sa sarili nya. Minsan sa sobrang pagkalungkot at pagooverthink sa mga bagay ay naiisip na lamang ng mga nabubully na magpakamatay na lamang upang di na ma

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa p