Skip to main content

Kalamidad Ating Pigilan, Ating Paghandaan


Mamauag, Shellyne


     Ang kalamidad ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Isa itong pangyayari na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng milyun-milyong halaga ng mga ari-arian na mahalaga sa buhay ng tao.
     
     Ang ibig sabihin ng ‘kalamidad’ ay isang sakuna na maaaring nagmula sa natural na kondisyon ng oanahon at kalikasan tulad ng lindol, bagyo, buhawi, tsunami, landslide,pagputok ng bulkan at mudflow. Maaari din itong gawa ng mga tao tulad ng baha, polusyon, deforestation at iba pa na nag-iiwan ng malaking pinsala sa ating lahat. Isa sa matinding hinaharap na sakuna ng mga Pilipino ay bagyo. Ang bagyo ay nagdudulot sa ating lahat ng matinding pinsala. Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos ng paikot at matinding pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat. Marami na ang hindi malilimutang karanasan o sakuna ang  nangyari sa buhay ng mga Pilipino.   Ang Super Bagyong Yolanda ay isa sa  mga hindi makakaligtaang bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas dahil nagdulot ito ng malawakang pagkasira sa buong Visayas kasama na rito ang ibang probinsya sa Luzon.

       Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang mga sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod:
      • Pag-iimbak ng maraming pagkain tulad ng mga delata, o iba pang mga pagkain na ready to eat na.
      • Pag-iimbak ng malinis na inuming tubig.
      • Malinis na damit
      Powerbank para sa mga cellphone na maaari nating magamit para maging updated sa lahat at makontak ang mga miyembro ng pamilya at para na rin makakontak ng ambulansiya o barangay kung mayroong emergency.
      • Paghahanda ng mga kandila, lampara, o flashlight kung sakaling mawalan ng kuryente.
      • Mahalaga rin ang panonood ng telebisyon at pakikinig sa radyo para maging updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang kalamidad .
      • Siguraduhin ding nasa loob ng bahay ang lahat bago pa man dumating ang bagyo nang sa gayon ay maiwasan ang masaktan sa oras ng kalamidad; at
      • Ang pinakamahalagang gawin sa lahat ay huwag magpanik ulang maisagawa ang mga daoat gawin sa gitna ng kalamidad at manatiling malinaw ang isipan at maging ligtas.

      Maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad kung tayo ay magiging responsableng mamamayan ng Pilipinas. Kung tayo ay magkakaisa, maiiwasan natin ang ganitong sakuna. Para maiwasan ang mga sakuna ay dapat isaalang- alang natin ang mga sumusunod:
        • Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
        • Itapon natin ang ating mga kalat sa wastong tapunan at i-recycle  kung kinakailangan at maaari.
        • Panatilihin ding malinis ang mga daluyan ng tubig tulad ng mga kanal, sapa, irigasyon, ilog, at iba pa para maiwasan ang Water Pollution.
        • Malaking tulong rin ang pagtatanim ng mga puno upang maiwasan ang pagbaha, maging ang pagguho ng lupa; at
        • Higit sa lahat ay maging respinsableng mamamayan ng Pilipinas. Sundin ang mga simpleng batas para mapangalagaan ang kalikasan at magkaroon ng inisyatibo na gumawa ng mga hakbang ukol rito, kahit simple lang.

        Kaya’t pangalagaan natin ang ating kalikasan sapagkat dito nanggagaling ang ating mga pangangailangan lalo’t higit ang hangin ang ating hinihinga. Magkaisa tayo upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran at para na rin magamit pa ng mga susunod na henerasyon. Ating isaalang -alang ang mga paghahanda at paraan para mapigilan ang mga sakuna sa ating bansa.


MGA SANGGUNIAN:
             Brainly.Ph
             Tl.m.wikipedia.org
             WordPress.com

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...