Skip to main content

Edukasyon

Binarao, Verleeah

Bawat tao, alam ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay at kung paano ito makakatulong upang makamit ang mga pangarap. Ang edukasyon ay ang  sistema kung saan natututunan ang mga bagay na makakatulong sa sa ating pangaraw-araw. 

Ngunit ganun pa man ay marami pa ring mga bata ang hindi nakakapag-aral. Lumalabas na milyon-milyong  bata sa buong Pilipinas kada-taon ang hindi nakakapasok sa eskwela upang makapag-aral. Ilan sa mga liblib na probinsya ay hindi nagkakaroon ng sapat na kagamitan sa eskwelahan at hindi nabibigyang pansin. Ang mga batang hindi nakakapag-aral ay agad na naghahanap ng trabaho upang makatulong sa pamilya at mabigyan ng sapat na kita para sa kanilang pangaraw-araw. Marami sa mga bata rin ang nakakaranas ng pinagdadamutan ng karapatan makapag-aral mula sa kanilang magulang dahil sa hirap ng buhay. Pero ang edukasyon ay pwede din natin matutunan mula sa sariling mga karanasan.

"Sa dulo ng paglalakbay ng aral na walang humpay,buhay na matiwasay ang kaniya namang alay". Hindi lahat nabibigyan ng edukasyon kaya kung meron ka nito ay pahalagahan. Makakatulong ito upang maihatid tayo sa mabuting kinabukasan. Ito ang ating gabay upang magkaroon tamang kaalaan sa mga bagay na kailangan natin malaman upang masmapahalagahan pa ito. 

Sa buhay natin, ito ang kayaman na hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman at ang tanging kayamanan na maipapamana ng magulang sa kanilang mga anak na hindi mananakaw ng iba. Maituturo dito ang mga gintong aral sa mga estudyate upang magkaroon ng magandang asal. Dito, masusuklian natin ang paghihirap ng mga magulang para lang makamit ito.

Ang edukasyon ay isang gintong dala-dala natin araw-araw. Mahalin ang edukasyon, ito ang magdadala sa atin sa magandang pagbabago ng ating bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...