Skip to main content

Kabataan sa Kasalukuyang Panahon


Verceles, Diana Rose

"Kabataan ang pag asa ng bayan" ang wika ni Dr. Jose Rizal. Pero kung titignan mo ang mga kabataan ngayon ay manghihinayang ka nalang. Mukang malabo na ang tinatawag nating pag asa.

Kung ikukumpara natin ang mga kabataan ngayon at noon, naku walang wala ang mga kabataan ngayon. Sa panahon ngayon kasi hindi na uso ang po at opo, wala nang saysay ang pag aaral, nawawalan na sila ng galang sa mga mas nakakatanda sa kanila at higit sa lahat wala ng halaga ang kanilang "virginity". Kung ang mga kabataan noon ay malaki ang takot sa kanilang mga magulang at bago sumapit ang dilim ay nasa kani kanila ng mga tahanan ngayon naman halos awayin na nila ang kanilang mga magulang pag hindi nabibigay at nasusunod ang kanilang mga gusto. At eto pa umuuwi na sila kung kailan nila gusto kung minsan pa nga wala ng uwian, habang ang kanilang mga magulang ay nag aalala kung nasan na sila etong ibang kabataan naman ay parang walang pakialam. Hindi nila iniisip na baka may mangyaring masama sa kanila basta nagsasaya sila eh ayos na.
          Kung ano anong online games ang kinakaadikan tulad ng Mobile Legends, PUBG, Dota at iba pa. Andami nilang oras para dito pero sa pag aaral ay wala hindi ba nila naiisip na sobrang pagsasakripisyo ang ginagawa ng kanilang mga magulang para lang mapaaral sila sa magandang paaralan at hinid nila pinupulot ang pera pinagpapaaral sa kanila pero hindi nila iyon naaappreciate.

Kaya habang may panahon pa ang mag aral kang mabuti dahil magagamit mo din ito pag dating ng panahon at ipakita mo sa iyong mga magulang kung  gano mo sila kamahal dahil hindi mo alam kung kailan sila mawawala at pag dumating ang panahong iyon pagsisisihan mo ng lubusan. At sa mga kabataan na kagaya ko magbago na tayo habang may pagkakataon pa at patunayan na ang kabataan nga ang pag asa ng bayan.
(brainly.com, www.academia.edu, www.scribd.com)

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...