Skip to main content

Ang Teknolohiya at Ang Mundo


Madriaga, Juliana


Sa panahon na ito sumisibol ang napakalaking pagbabago buhat sa dating pamumuhay kung saan and dating mahirap at mabibigat na gawain ay pinapagaan ng teknolohiya at siyensya.

Ang makabagong teknolohiya ay isang bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako mapa imposmasyon man ito o mapa libangan. Impormasyon ang pangunahing naitutulong o naibibigay ng teknolohiya sa atin. Ito ay tumutulong din sa ekonomiya sa paraang pinauunlad at pinatatakbo ng mga makabagong pagtuklas ng kagamitan, bawat araw ay mayroong bagong nadidiskubre at naiimbento.Naging madali ang paghahanap ng kaalaman sa isang baggay,lugar at kahit tao man ay madali ng makilala dahil sa teknolohiya. Dahil sa makabagong teknolohiya,naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na impormasyon sa anumang oras o lugar.

Madali na ang gawain ng mga tao,maari na silang magkaroon ng sariling negosyo kahit nasa bahay lamang sila. Walang kahirap hirap kumikita ang mga tao gamit ang teknolohiya. Lumalakas din ang tulong ng teknolohiya pagdating sa edukasyon at lalo na sa mga kabataan. Sa mga estudyante,kung nakalimutan gawin ang takdang aralin ay maari na lamang itong gawin sa eskwelahan ng walang kahirap hirap. Mas nalilinang din ant napapalawak ang kanilanv kaisipan sa impormasyong kanilang nababasa. May mga masasamang dulot din ang teknolohiya sa bawat kabataan sa ngayon. Ang iba’y naaadik sa kompyuter games na nagdudulot ng masasamang epekto sa kanilang pagaaral. Sa gamit ng teknolohiya,nagiging biktima din ang mga kabatan isa na lamang ang cyberbullying sa mga krimen na nangyayari sa internet. Dito nararanasan ng mga kabataan ang pagkabully o pangloloko sakanila. Nagagawa nila ito dahil hindi sila nakikita sa internet kaya na lamang madali lang manloko para sakanila. Masama ang maidudulot ng cyberbullying sa mga nakakaranas nito maari itong mauwi sa matinding kalungkutan at depresiyon ang iba’y hindi kinakaya kaya sila’y nagpapakamatay nalang.

Sa pagtatapos,napakalaking tulong ang naidudulot ng teknolohiya saatin kaya wag natin ito abusuhin at huwag din natin hahayaang abusuhin tayo ng teknolohiya.

Examplecomph.wordpress.com
https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/tin-edyer/tanong/nakakaranas-ng-cyberbullying/

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...