Skip to main content

Epekto ng Makabagong Teknolohiya


Lannnao, Mich Ysabel


Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.

                  Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa paglipas ng panahon, dumadami na rin ang mga teknolohiyang naiimbento upang mapadali ang mga gawain at makatulong sa mga suliranin ng mga tao. 
Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging organisado ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon. Ang bawat paaralan, ay may tinatawag na computer laboratory na kung saan tinitipon ang lahat na kompyuter at tinuturuan ang mga estudyante sa paggamit nito. Ang teknolohiya ay napakahalaga sa mga kursong may koneksyon sa computer o mga teknolohiya. Bilang estudyante na may kursong ABM (Accountancy Business and Management), kailangan rin namin ang mga teknolohiya para mas lalong mapadali ang aming pag-aaral. Ang nais lamang ng mga paaralan sa paggamit ng mga teknolohiya ay para mas mapadali ang mga Gawain at mapadali ang pagkatoto ng mga estudyante. Kung sa Komunikasyon naman, ang teknolohiya ang pinaka una sa uso sa paggamit ng komunikasyon . Dahil sa mga social networking sites, mas napapadali ang ating komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin. At dahil sa mga social networking sites (facebook, twitter, skype atbp.) may mga nakakahalubilo tayong mga tao na hindi natin kilala sa personal at nagkakaroon tayo ng mga kaibigan dahil dito. Nakakakuha tayo ng mga impormasyon at balita.

                 Ngunit sa kabila ng magandang dulot nito sa edukasyon at pang komunikasyon ay may masamang dulot din ito. Dahil sa mga makabagong teknolohiya, ang mga kabataan ngayon ay nalulong na sa paggagamit nito. Imbes na pag-aaral ang inaatupag nila, mas nabibigyang pansin at oras  nila ang pag access ng internet dahil sa mga social networking sites. Ang pag fe-facebook, ang manood ng mga movies hanggang umaga, paglalaro ng mga nakakaadik na online games, ang pagtetext at marami pang iba. Ito’y masama sa mga kabataan dahil unti unting napapabayaan nila ang kanilang pag aaral at nawawala ang pokus nito. At dahil sa mga social networking sites, ay maaari ka ring makakuha ng kaaway. Akala natin kaibigan lang? Mali! Dahil hindi pa din mawawala ang “away” sa social media. Maraming nabubully dahil sa social  media. At dahil sa kanilang pagka-adik sa mga makabagong  teknolohiya, naaapektuhan din ang kanilang kalusugan. Ang ibang mga kabataan naman ay umaasa na lamang sila sa mga impormasyon sa internet at kadalasan ay copy-paste ang kanilang ginagawa. Hindi lahat ng impormasyon na nasa internet ay totoo. Mas mainam pa rin na bumisita ka sa library ng iyong paaralan para makakuha ka ng mas makapani-paniwalang impormasyon.


               Maganda man o masama ang epekto ng mga Makabagong teknolohiya sa mga kabataan ngayon. Kailangan nating kontrolin ang ating sarili sa paggagamit nito. Oo nga’t maganda ang naidudulot nito sa mga kabataan sa pag-aaral ngunit hindi naman sa lahat ng panahon ay kakailanganin o kaakibat natin ang teknolohiya. Hindi lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa buhay natin. Kailangan mo pa rin ang iyong kakayahan sa paggawa ng mga gawain. Ito lamang ang masasabi ko, HINDI INAABUSO ANG PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA. MATUTONG GAMITIN ITO SA MAGANDANG PARAAN. AT HINDI SA MGA WALANG KWENTA LAMANG.

Comments

Popular posts from this blog

Ano Nga Ba Ang Maaaring Epekto ng Cyber Bullying sa Isang Tao?

Mangulad, Maya Lin Marami ang epekto ng Cyber Bullying sa isang tao tulad nalamang ng "insecurities" sa sarili, pagkakababa ng "self-confidence", pagiging malungkot at "negativity" sa sarili. Ang mga ito ay dahilan ng mga pangaasar o pangungutya ng mga tao sa mga pictures o videos na pinopost ng nabubully. Sa mga konting pangaasar nagsisimula ang lahat. Hindiman natin ito sinasadya ngunit ito pa rin ay may epekto sa nabubully. Sa konting iyon, kapag iyong pinagsama-sama ay magiging malaking problema na ito. Ito ay magsisimula sa pagiging "insecure" sa sarili, sa itsura, sa kilos at galaw, at sa mga pinopost. Kapag lumaki pa ito, magreresulta na ito sa pagkababa ng self-confidence. Nahihiya na lumabas o makisalamuha sa ibang tao. Kinalaunan, puro mga negatibo lamang ang naiisip nya tungkol sa sarili nya. Minsan sa sobrang pagkalungkot at pagooverthink sa mga bagay ay naiisip na lamang ng mga nabubully na magpakamatay na lamang upang di na ma

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging