Skip to main content

Grado Bersus Panalo Sa Laro


Saura, Jasmin

               Computer Games. Online Games. Halos lahat ng mga estudyante ngayon ay naaadik na sa mga games. Mapa-computer man ito o mapa-online. Mas inuuna pa nila ito kaysa sa pagbabasa sa kanilang mga aralin. Kahit sa paaralan ay laro ang inaatupag. Nagtuturo man ang guro sa harapan ay walang pakialam basta manalo lang sa larong pinagkakaabalahan.

               Online Games. Isang larong gumagamit ng iba't-ibang computer network. Isang larong sobrang hirap tanggihan. Isang larong kinakaadikan ng mga kabataan lalo na ang mga estudyante. Online games o computer games ang dahilan kung bakit minsa'y hindi pumapasok sa paaralan. Ito ang mas inaatupag ng mga estudyante kaysa sa kanilang mga aralin. Ito ay magandang libangan kaya ito ang pinakagustong gawin ng mga estudyante.

               Mga estudyante ngayon ay kay bilis lang malibang. Mobile Legends. PUBG. Rules of Survival. Iilan lang yan sa mga larong kinaaadikan ng mga kabataan. Mapa-bahay man ito o nasa kanilang paaralan ay yan pa rin ang ginagawa. Wala na silang pakialam sa paligid basta ba manalo lang sila.

               Magulo. Maingay. Murahan. Mga reaksyon ng mga kabataan kapag naglalaro. Kahit saang lugar ay maingay pa rin kapag “on-game" sila. Kahit nasa loob ng silid-aralan ay walang tigil na murahan at sigawan. Nagkakagulo kapag sila'y naglalaro. Kahit nasa harap at nagtuturo ang guro ay tinatago ang mga cellphone para maipagpatuloy ang laro para manalo.

               Walang pakialam sa markang natatanggap. Iilan lang sa mga estudyante ang seryoso sa pag-aaral. Karamihan sa mga kabataan ay hindi alam ang importansya ng pag-aaral. Mas sineseryoso pa ng mga ibang estudyante ang paglalaro kaysa sa pag-aaral. Pag-eensayo sa kanilang “skills" sa laro ay kanilang inuuna kaysa sa pagpapatalas sa kanilang mga utak.

               Grado. Ang mga estudyante ay dapat magsikap para makakuha ng mataas na grado. Ito lang ang pwede nating ipalit sa mga kahirapan ng ating mga magulang para tayo ay mapag-aral. Pero ano nga ba ang kadalasana ginagawa ng mga estudyante? Dahil sa kaadikan nila sa online games ay ginagawa na nilang laro ang kanilang pag-aaral at nakakakuha ng mababang grado.

               Sa panahon ngayon, halos lahat ng estudyante ay wala ng pakialam sa kanilang mga grado. Kahit may nagtuturo sa harap ay hindi nakikinig. Mas inuuna nila ang laro kaysa sa pag-aaral. Mas pinagsisikapan pa nila ang paglalaro kaysa sa pagkuha ng mataas na grado. Masaya sila kapag “Victory" ang nagpapakita sa screen ng kanilang telepono at tila walang pakialaman kapag mababa ang grado.

               Grado bersus laro. Kinaadikan ng halos lahat ng mga estudyante bersus edukasyon. Laro na libangan lamang at edukasyon na dapat makamtam para sa magandang kinabukasan.

               Bilang isang estudyante, alamin natin ang mga responsibilidad natin. Walang masama kung ang isang estudyante ay may libangan. Alamin ang limitasyon upang kaadikan ay maiwasan. Edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan at para mapaunlad ang ating bayan. Kung panalo ka sa laro dapat panalo ka rin sa buhay mo sa pamamagitan ng pagtupad sa mga pangarap mo.

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...