Lizardo, Joshua
Ang AIDS o ang Acquired Immuno Deficiency syndrome ay
isang sakit na galing sa HIV o ang Human Immunodeficiency Virus na
nagdudulot ng pagkahina ng sistemang imuno ng isang tao at hinahayaan ang
katawan sa mga mapanganib na impeksiyon. Ang virus ay maaring makuha sa
pamamagitan ng dugo, semilya at pluido, maliban sa pawis, sa katawan. Ayon sa United
Nations at The Health Ministry, pinakamabilis ang pagdami ng kaso nga mga
taong may AIDS sa Pilipinas sa buong Asia Pasipiko sa nagdaang anim na
taon. Sa pagtatapos ng taong 2016, naitalang 10,500 ang mga pilino na apektado
sa HIV at 4,300 noong 2010. Ito ang datos na nakalap noong taong 2010
hanngang 2016:
2010-2016
|
Lalaki sa
lalaki
|
49%
|
Lalaki na
nakikipagtalik sa parehong lalaki at babae
|
32%
|
|
Lalaki sa
babae
|
14%
|
|
Pagturok
ng droga
|
5%
|
|
Inang
buntis/ Ina sa anak
|
<1%
|
Ayon sa datos, pinakamataas ang poryento ng lalaki sa lalaki.
Hindi naman ito maiiwasan sa kadahilanang narin
ng pagkakaroon ng pangatlong kasarian sa ating lipunan. Gayunpaman, ang
sakit na ito ay hindi makukuha kung mayroon tayong maganda lifestyle. Kapag ikaw
ay positibo sa sakit na ito, wag matakot bagkus magpakonsulta sa doktor na may
karanasan ng gumamot nito. Magpa eksamin naman kung gustong malaman ang estado
ng iyong kalusugan. Ang AIDS ay hindi panghabang buhay na sintensiya.
May mga alternatibong gamot rito na maaring pagpatagal ng buhay. Ugaliin lamang
magpakonsulta hanggat maari upang malaman ang mga dapat gawin. "Tayo ngayon ay nakatira sa isang mundong
may interindepence. Nangangahulugan lamang na di natin matatakasan ang isa. Paano
tayo tumugon sa AIDS ay nakadepende sa pagkaintindi natin sa
interdepence. Hindi ito problema ng isa, problema ito ng lahat" (Bill
Clinton).
Sanggunian:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/HIV
Comments
Post a Comment