Skip to main content

Ang Edukasyon


Cabauatan, Angeline

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man sa'yo. Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible. Ang edukasyon ay kayamanan na hindi nananakaw nang sinuman.

Napakahalaga ng edukasyon dahil dito nakasalalay ang ating mga kinabukasan.Nasabi ko ito dahil sa panahon ngayon, karamihang natatanggap sa trabaho ay ang mga nakapagtapos sa pag-aaral at ang trabahong ito ay nagsisilbing tulay tungo sa kanyang kaunlaran pati na rin sa pakikipagsabayan sa agos ng buhay.Ang edukasyon ay isang susi sa pag unlad upang makamit ang pagunlad na ipanamamana ng ating sarili. Napakahalaga ng edukasyon dahil dito halos nakasalalay ang ating mga kinabukasan. Bilang isang kabataang pililpino, karapatan ko po ang magkaroon ng sapat at wastong edukasyon. dahil ako ay naniniwala na kapag ako ay mayroong wastong edukasyong matatamo. Ito rin ay mahalaga sapagkat ito ay magiging pundasyon natin sa pag-ahon mula sa kahirapan tungo sa tuoy-tuloy na kaunlaran at kasaganaan na inaasam-asam natin at ng ating mahahl na bayan.

Ang edukasyon ay napakahalaga sa bawat isang tao dhil ito ay isang kayamanan nating lahat,at nagagamit ntin ang ating pinagaralan kung tayoy pumupnta sa ibang bansa dahil sa ating karunungan at pag may pinagaralan ka di ka hahamakin ng khit sino man. Mahalaga ang pag-aaral sapagkat ito lamang ang natatanging kayamanan ng isang tao na kahit kailan man ay hindi mananakaw o makukuha ng ibang tao. Dahil kung ang isang tao ay walang pinag-aralan, maaring siya ay magiging pariwara.

Ang edukasyon lamang ang natatanging paraan para mapaunlad ang isang tao.


Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...