Ilac, Ena Luz
May dalawang
bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay
nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano
nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay.
Sa kasalukuyan,
mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3
taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng
impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media
sa ating buhay.
Una, ano nga ba
ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay
makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas
mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na
maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating
i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng
paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter.
Maaari din tayong manood ng mga pwedeng makatulong upang mahasa ang ating utak
gaya ng youtube at iba pa. Maaari din tayong maghanap ng impormasyon sa
pamamagitan ng paghahanap sa google, magagamit mo ito pag ikaw ay may mga
takdang aralin o kaya naman maghanap ng impormasyon tungkol sa isang bagay na
nais mong malaman. Gianagamit din ang messenger upang makipag ugnayan at
makipag usap sa iyong mga mahal sa buhay na wala sa iyong tabi. Ilan sa mga
epekto ay ang madaling pagkalat ng kaalaman o mga impormasyon. Ngunit sa kaila
ng mga magagandang dulot ng social media, may mga masasamang dulot din ito sa
ating buhay. Una, ang pakikipag ugnayan sa hindi mokillang tao sa social media
ay maaaring lokohin ka at kunin ang mga mahahalaga mong impormasyon na maaaring
ikapahamak mo. Pangalawa, ang paggamit ng mga kabataan ng social media sa
mahabang oras na maaarig makaaepekto sa kanilang pag aaaral at maging sanhi ng
kanilang kakulangan sa tulog na maaaring maging sakit. Madaming paggagamitan ng
social media ngunit dapat itong gamitin sa maayos na paraan at bigyan ng
limitasyon ang paggamit dito.
Comments
Post a Comment