Balbuena,
Rodesa
Ano ang climate change? Upang mas maunawaan at maintindihan natin ang ibig
sabihin nito atin munang alamin ang kahulugan o ang ibig sabihin ng salitang
klima. Ang klima ay ang pangkaraniwan
at at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang
takdang lugar o rehiyon. Nakadepende ang klima sa pagdating ng kainitan,
katuyuan, kalamigan o kabasaan sa pook na pinag – uusapan. (Wikipedia)
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o
panahon. Maaaring ito rin ay ang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang
lugar sa isang buwan o season. Ang climate change ay dulot ng greenhouse effect na siyang nagpapainit
sa mundo. Ayon sa mga eksperto, ang klima n gating mundo ay laging nagbabago.
Sa kanilang pag-aaral, ang temperatura ng mundo ay tumataas ng 1 degree Farenheit sa nakalipas na 100
taon mukha man itong maliit ngunit maari itong magdulot ng malaking epekto sa
pagbabago ng mundo.
Ang climate change ay sanhi ng mga sama-samang
epekto ng enerhiya na nagmumula sa araw, sa pag-ikot ng mundo,, at sa init na
nagmumula sa ilalim ng lupa na siyang nagpapataas ng temperatura o init sa
hangin na bumabalot sa mundo. Ito rin ay sanhi ng mga gawain ng tao na
nagbubunga ng pagdami at pagtaas ng carbon
dioxide at ibang greenhouse gases
(GHGs). Ang GHGs ay ang mga nakukulong na init ng mundo. Ang mga carbon dioxide
na nanggagaling sa mga buga ng sasakyang gumagamit ng gasoline, ang pagsunog ng
mga plastic at fossil fuels, pagpuputol ng mga puno na sumisipsip sa mga carbon
dioxide sa hangin, at ang mga pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga
ng methane isang uri ng GHGs ay ang mga dahilan din ng climate change.
Maraming epekto ang climate change tulad ng
patuloy na pagtaas ng temperatura o ang pag-init ng mundo, ang paghaba ng
panahon ng tag-init o El Niño, ang
pagdasa ng maraming bagyo at ang pagtaas ng antas o lebel ng tubig sa dagat.
Maaari rin itong magdulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan sa
lipunan. Ang dala ng climate change na tag-tuyot, matinding init, at bagyo ay
maaaring magbunga ng masamang epekto sa kalusugan ng mga tao. Ang pagtaas ng
bilang ng kaso ng mga sakit na dala ng maruming tubig o pagkain tulad ng
cholera, sakit na pagtatae, malaria, dengue at leptospirosis na dahilan ng mga
baha na bunga ng bagyo.
Maraming paraan upang malabanan
ang mga epekto ng climate change tulad ng pagtatanim nga mga puno at halaman na
siyang sumisipsip sa mga carbon dioxide sa hangin, magtipid sa paggamit ng
kuryente at enerhiya, iwasan ang pagsusunog ng mga basura lalo na ang mga
plastic at fossil fuels, gumamit ng mga Biofuels, at maging responsableng
mamamayan sumuporta at maki-isa sa mga usapin sa pag-sugpo ng mga epekto ng
climate change.
https://www.doh.gov.ph>climate-change
https://gabaykaalaman.com>climate-change
Comments
Post a Comment