Skip to main content

Marijuana: Mabuti o Masama?


Maramag, Jamaica


Hindi na bago sa ating pandinig ang salitang 'marijuana' sapagkat ito'y malimit nating marinig sa iba't ibang talakayan at debate, maging sa mga forum na ginaganap sa komunidad at paaralan. Hindi rin ito nakakaligtas sa balitang inaanunsiyo at ipinapanood sa telebisyon. Ano nga ba ang marijuana?

Ayon sa National Institute on Drug Abuse, ang marijuana ay maaaring mga tuyong dahon, bulaklak, tangkay, o buto ng halamang tinatawag na Cannabis sativa o Cannabis indica.  Sa lahat ng  illicit  drugs o ipinagbabawal na mga  droga, marijuana rin ang malimit na ginagamit sa United States. Noong 2015, higit na 11 million katao mula sa edad na 18-25 ang gumamit ng sinasabing droga.

Mayroong mabubuting ambag ang marijuana drugs lalo na sa larangan ng medisina. Halimbawa, nakakapagpahina ito sa pagdami ng cancer cells sa katawan ng isang taong may sakit na kanser. Bukod pa rito, maaari din nitong mapigilan ang Alzheimer's disease, malunasan ang Glaucoma, mabawasan ang sakit ng arthritis, makontrol ang epileptic seizure, at marami pang iba.

Sa kanilang banda, mayroon ding nakaabang na peligro sa paggamit ng marijuana tulad ng pagkakaroon ng pabago-bagong pakiramdam o ang tinatawag nilang mood swings, matagal na mag-isip at lumutas ng problema, mahinang memorya, pagkakaroon ng hallucinations, at marami pang iba.

Sunod sa bansang Uruguay, pormal na ring binigyan ng legalisasyon ang marijuana sa Canada. Dito naman sa Pilipinas, pormal na ring inaprobahan ng lehislatura ang pinal na pagbasa ng House Bill 6516 o Act Providing Compassionate and Right of Access to Medical Cannabis and Expanding Research ito its Medicinal Properties and for Other Purposes, noong January 29, 2019.

Kapag nilanghap ng isang tao ang usok mula sa isang joint o isang pipa, kadalasang nararamdaman niya ang epekto nito sa loob lamang ng ilang minuto. Ang agarang pakiramdam—mabilis na tibok ng puso, mas mababang antas ng koordinasyon at balanse, at isang “mala-panaginip,” at hindi makatotohanang lagay ng isipan—ay nakakarating sa sukdulan sa loob ng 30 minuto.3 Ang panandaliang mga epektong ito ay kadalasang nawawala sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, pero puwede silang tumagal, depende sa kung gaano karami ang ginamit ng tao, depende sa kalakasan ng THC at kung mayroon bang ibang drogang naihalo.

Habang lumalanghap ng mas maraming usok ang tipikal na gumagamit nito at pinatatagal ito sa loob nang mas matagal kaysa sa paggamit ng sigarilyo, ang joint ay nakalilikha ng masamang epekto sa baga. Maliban sa hindi magandang pakiramdam na kasama ng masakit na lalamunan at acute bronchitis, natuklasang ang paghithit ng isang joint ay naglalantad sa isang tao sa mga kemikal na nakalilikha ng kanser tulad ng paggamit ng apat o limang sigarilyo

Ang pangkaisipang epekto ng paggamit ng marijuana ay ganoon din kasama. Ang mga gumagamit ng marijuana ay mas mahina ang alaala at pangkaisipang kakayahan kaysa sa mga hindi gumagamit.5

Iba't ibang opinyon mula sa bawat indibidwal hinggil sa drogang marijuana ang maaaring marinig, subalit isa lang ang sigurado at tiyak. Ang paggamit ng drogang ito ay dapat nasa tama, moral, at medikal na akto.

Sanggunian:
https://www.drugfreeworld.ph/drugfacts/marijuana.html

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...