Rumbaoa, Hanah Shaine Naha-harass ka na ba sexually? Pero hindi mo alam kung ano ang hakbang na dapat mong gawin. Ayon sa isang artikulo sa http://karapatangbabae.weebly.com , ang sexual harassment ay ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa, ng sekswal na pabor mula sa iba, ito man ay tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima, na nanggagaling sa employer, manager, supervisor, ahente ng employer, guro, instruktor, propesor, coach, tagapagsanay, o sinumang may kapangyarihan, impluwensiya, o moral na awtoridad sa iba sa loob ng trabaho o lugar ng pag-aaral o pagsasanay. May iba-ibang klase ba ito? • Physical - makikita sa paraan ng malisyosong paghawak o paghipo, overt or obvious sexual advances, at gestures na may bahid ng pambabastos • Verbal - kasama rito ang paghingi ng sexual favors at malisyosong pananalita • Paggamit ng mga bagay, larawan o sulat na may bahid sekswal May batas laban sa sexual harassment. Ito ay ang R.A. 7877 Anti-sexual harassm