Palacpac, Maxene
Volleyball, madalas nating naririnig sa kapanahunan ngayon,
ito ay isa sa pinakasikat na laro sa buong mundo. Marami na ring naglalaro
nito, marami naring sumikat ng dahil dito. Isa sa kilalang tournament ng volleyball
dito sa pilipinas ay ang UAAP. Ang UAAP Women's Volleyball Tournament ay
binubuo ng walong grupong naglalaban laban galing sa mga sikat na eskwelahan sa
Manila. Isa sa mga paaralang ito ay ang Ateneo De Manila University.
Ateneo Lady Eagles isa sa mga grupong matunog sa larangan ng
larong volleyball ngayon. Ito ay binubuo ng magagaling at piling manlalaro
galing sa iba't ibang panig ng bansa. Ginagamitan
nila ng puso, pananalig sa diyos, kaalaman at galing ang bawat laro nila. Ang
unang naging kalaban ng Ateno Lady Eagles ay ang De LaSalle Lady Spikers, na kung
saan natalo ang Ateneo sa puntos na 14 - 25, 17 - 25, 25 - 16, 19 - 25. Natalo
sila rito sa kadahilanang sila'y nabigla dahil matagal na nilang di nakalaro
ang kanilang pinakamalupit na kalaban. Ngunit pagkatapos nilang matalo sila'y
bumawi at naipanalo ang kanilang laro laban sa UST Lady Tigresses sa puntos na
25 - 21, 25 - 18, 16 - 25, 25 - 22. Kanila
ring naipanalo ang kanilang sumunod na laro na kung saan ang kalaban nila ay
ang FEU Lady Tamaraws at may puntos na 14 - 25, 19 - 25, 25 - 21, 25 - 18, 15 -
12. Nanalo rin sila laban sa UE Lady Warriors sa puntos na 25 - 15, 25 - 21, 25
- 16. Naipanalo rin nila ang kanilang laro sa 'Battle of Katipunan' na kung
saan kalaban nila ang UP Lady Maroons at may puntos na 25 -21, 25 - 18, 28 -
26. Nakalaban rin nila ang Adamson Lady Falcons sa ginanap na 'Battle of the Birds'
at Ateneo ang panalo sa puntos na 25 - 8, 22 - 25, 25 - 16, 25 - 10. Ang huli
nilang makakalaban ay ang NU Lady Bulldogs at gaganapin ito sa sabado ( Marso
16, 2019). Abangan, maipapanalo kaya ito ng Ateneo Lady Eagles?
Ang Ateneo Lady Eagles ay ang nangunguna sa 'standings' na
kung saan mayroon silang 5 panalo at 1 talo ( as of March 15, 2019 ). Nakamit
nila ang mga panalong ito dahil lagi nilang isinasaulo ang sinasabi ng kanilang
coach na si Coach O na kung saan i sa sa mga ito ay ang " kung anong gusto
niyong mangyari, mangyayari dahil kung gusto niyo talaga gagawa at gagawa kayo ng
paraan upang makamptan iyon" at dahil dito mas lalong ginanahan at naging
sabik manalo ang Ateneo Lady Eagles. Isa pa sa dahilan kung bat sila nananalo
sa kanilang mga laro ay dahil ginagamitan nila ng PUSO, PANANALIG SA DIYOS at
GALING ang bawat laro nila.
Isang aral ang iniiwan ng Ateneo Lady Eagles saatin na kung natalo o nadapa ka
man nung una, bumawi/ bumangon ka. Gawing aral ang iyong pagkadapa upang ikaw
ay maging matatag na tao. Laging gamitin ang puso, galing at pananalig sa
diyos sa lahat ng iyong ginagawa dahil kung ito'y iyong sinusunod, di ka
mabibigo at makakamit ang iyong mga minimithi. Sabi nga ni Bea De Leon "
Always be the best version of yourself".
Sanggunian: sports.abs-cbn.com
Comments
Post a Comment