Lores, Erica Apteen
Sa bawat henerasyon may
iba’t-ibang uri nang teklohiya ang nailalabas. Ngunit anon ga ba ang dulot nang
napakabagong teknolohiya ngayon, may pagkakaiba ba ito noon at ngayon? Laganap
na ang makabagong teknolohiya ngayon at bawat isa ay gumagamit nang social
media.Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay marami ang magandang
naidudulot nito sa ating buhay sa pang-araw-araw. Hindi maitatanggi na ang mga
social media o teknohiya ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon,
bahagi na rin sa buhay nang bawat isa, at kasabay nito ang pagusbong at paglago
ng modernong kabataan .
Ang social media ay isang daan
upang makipagkaibigan o makahanap ng
isang tao kahit hindi mo nakikita o kahit di kayo pareho nang lahi.
Kahit saan man sa mundo o kahit saang bansa ka man, laging may social media.
Ito ay may malaking tulong sa ating pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap sa
mga mahal natin sa buhay na nasa malalayong lugar o di kaya’y nasa ibang bansa.
Ano nalang ang buhay kung walang social media? Ano na lang ang mangyayari sa
atin kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na
tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi
masyadong palalabas, mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong
makahanap ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong
impormasyon at mga gustong magpasikat (Residentpatriot, October 7.2012).
Hindi kapani-paniwala ang bilis
ng pagusbong ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga kabataan at sa
ibang tao. Pinalalakas nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagbibigay- importansiya natin sa
pakikipag-ugnayan. Pinapatunayan na natin ito dati pa sa mga naging sikat na paraan
ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pakikipagtalastasan sa mga online forums at
pagtatambay sa Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng instagram, twitter,
facebook, youtube, at iba pang social media’s,kung kaya’t hindi nakapagtataka
at di na nakakagulat na napakataas ng
porsyento ng mga online na pinoy sa social networks (Gabnadateblog.February
2016).
Dahil sa pagiging “trendy” ng
mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan o nahihikayat ang nakararami
tulad nalang ng mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling at nalilibang
dito, kaya wala na yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga nabangit na
websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na
websites ngunit ano nga ba ang epekto ng social media sa paguugali natin? Anon
ga ba ang magandang maidudulot nito lalo na sa mga kabataan ngayon?
Ang mga katanungan na nasawalat
sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social media at ang
modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong,
nagpalago at mas lalo pang naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo.
Napakalaking impluwensya ng social media sa panahong ito lalong lalo na ang
facebook, instagram, at twitter, di natin maitatanggi na naging parte at bahagi
na ng ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa sa mga mabuting dulot ng
social media sa kabataan ngayon ang madaling paraan upang makapagpalaganap o
makapagbahagi ng impormasyon at kaalaman sa iba. O mga balita na napapanahon na
kung saan interesado ang lahat na malaman,
kagaya ng suspension ng klaseo di kaya’y holiday, mga balita tungkol sa showbiz
na tungkol sa kanilang mga paborito at inaabangang artista at idolo,at mga
babasahin na maraming mapupulot at matututunanna aral at bagong kaalaman. Ang social media ay tulay na nagdudugtong sa
atin sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap dahil ito ang nagbabahagi ng bagong
ideya o kaisipan,at kaalaman na maaaring makatulong sa karamihan sa pamamagitan
ng mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa
mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman at
aral na makapagpapa-unlad o makapaglalago sa ating kinabukasan at sa ating
bansang Sinilangan, ang Pilipinas.
Comments
Post a Comment