Skip to main content

Sexual Harassment

Rumbaoa, Hanah Shaine




Naha-harass ka na ba sexually?
Pero hindi mo alam kung ano ang hakbang na dapat mong gawin.
Ayon sa isang artikulo sa http://karapatangbabae.weebly.com, ang sexual harassment ay ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa, ng sekswal na pabor mula sa iba, ito man ay tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima, na nanggagaling sa employer, manager, supervisor, ahente ng employer, guro, instruktor, propesor, coach, tagapagsanay, o sinumang may kapangyarihan, impluwensiya, o moral na awtoridad sa iba sa loob ng trabaho o lugar ng pag-aaral o pagsasanay.

May iba-ibang klase ba ito?
• Physical - makikita sa paraan ng malisyosong paghawak o paghipo, overt or obvious sexual advances, at gestures na may bahid ng pambabastos
• Verbal - kasama rito ang paghingi ng sexual favors at malisyosong pananalita
• Paggamit ng mga bagay, larawan o sulat na may bahid sekswal


May batas laban sa sexual harassment. Ito ay ang R.A. 7877 Anti-sexual harassment law.
May laban ba ang mga biktima ng sexual harassment? Kanino o saan sila maaaring lumapit?
• Mayroong mga institusyon at mekanismo na nagbibigay suporta sa mga biktima ng sexual harassment.
• Sa lahat ng opisina ng pamahalaan ay may – o dapat may – Committee on Decorum and Investigation (CODI) na binubuo ng mga miyembro ng management at mga empleyado. Ito ang tumutulong upang labanan o sugpuin ang sexual at iba pang klase ng harassment sa lugar ng pagtatrabaho. Ito ay nakasaad sa R.A. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995.
• Bago pa man isinabatas ang R.A. 7877, ang CSC ay nakapaglabas na ng polisiya tungkol sa sexual harassment (CSC Resolution 01-0940 signed in 2001)

Ano ang mga prosesong dapat nilang pagdaanan? Ano ang maaari nilang asahan na aksyon?
• Dadaan sila sa legal process (i.e. filing of complaint, investigation, hearing, decision, appeals)
• Maaari rin bigyan ang biktima ng tulong sa pamamagitan ng counseling, referral at iba pa.

Ang sexual harassment law ay hindi lamang proteksiyon para sa mga kababaihan kungdi para rin sa mga lalaki.

Oo, puwede ring ma-harass sexually ang mga lalaki.
Sinumang direktang magsagawa ng mga ipinagbabawal na akto, babae man o lalaki ay maaaring maparusahan sa ilalim ng batas.  Gayundin, sinumang humikayat o tumulong sa iba na isagawa ang mga nasabing akto ay maaari ring managot sa batas.
Hindi lamang lalaki kundi pati babae na may awtoridad o may nakakataas na posisyon ang maaaring manghingi ng sekswal na pabor bilang kondisyon sa pagtanggap sa trabaho ng isang aplikante o pananatili ng isang empleyado sa kanyang trabaho, o di kaya’y sa pagkakaloob ng sahod o anumang benepisyo at pribilehiyo, o kaya naman ay ang pagtanggi sa sekswal na pabor ang sanhi ng diskriminasyon sa trabaho at pagkabawas o tuluyang pagkawala ng mga oportunidad sa trabaho.
Ano ang kaparusahan sa mga taong mapapatunayang nagkasala ng sexual harassment?
Ang administrative liabilities na isasampa ay depende sa klase ng nagawang offense.
GRAVE OFFENSE
- Examples: unwanted touching of private parts, sexual assault, request for sexual favor in exchange for employment, promotion, passing grade (para sa harassment in an education or training related environment), etc.
- Penalty: Dismissal
LESS GRAVE OFFENSE
- Examples: unwanted touching (non-private parts), verbal abuse with sexual overtones
- Penalties: 1st offense – fine or suspension not less than 30 days and not exceeding six months; 2nd offense – dismissal
LIGHT OFFENSE
- Examples: stealing a look at a person’s private part or undergarments, sending sexist/smutty jokes electronic means (i.e. text, email), malicious ogling, making offensive hand or body gestures
- Penalties: 1st offense – reprimand; 2nd offense – fine or suspension not exceeding 30 days; 3rd offense – dismissal
Sinumang mapapatunayang nang-sexual­ly harassment ay maaaring maparusahan ng pagkakulong ng hindi bababa sa isang (1) buwan at hindi lalampas ng anim (6) na buwan o kaya’y multa na hindi bababa sa sampung libong (10,000) piso at di lalampas sa dalawampung-libong (20,000) piso, o di kaya’y parehong pagkakulong at multa, sa diskresyon ng korte.
Bukod pa rito ang kahihiyan at bahid sa iyong reputasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...