Rumbaoa, Hanah Shaine Naha-harass ka na ba sexually? Pero hindi mo alam kung ano ang hakbang na dapat mong gawin. Ayon sa isang artikulo sa http://karapatangbabae.weebly.com , ang sexual harassment ay ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa, ng sekswal na pabor mula sa iba, ito man ay tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima, na nanggagaling sa employer, manager, supervisor, ahente ng employer, guro, instruktor, propesor, coach, tagapagsanay, o sinumang may kapangyarihan, impluwensiya, o moral na awtoridad sa iba sa loob ng trabaho o lugar ng pag-aaral o pagsasanay. May iba-ibang klase ba ito? • Physical - makikita sa paraan ng malisyosong paghawak o paghipo, overt or obvious sexual advances, at gestures na may bahid ng pambabastos • Verbal - kasama rito ang paghingi ng sexual favors at malisyosong pananalita • Paggamit ng mga bagay, larawan o sulat na may bahid sekswal May batas laban sa sexual harassment. Ito ay ang R.A. 7877 Anti-sexual harassm
Cabulisan, Cristian-lex Mari Tusok dito, tusok diyan. Kapag gutom ka, saan mo pinagkakasya ang iyong barya? Kahit saan ka man lumingon, tiyak dito pa rin ang bagsakan! Sa halagang limang piso, may sampung fishball ka na. Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga street foods at marahil bahagi na ito ng ating kultura. Pinaghalong harina, paminta, asin atbp na sasabayan mo ng sukang may pipino o sibuyas, minatamis at maanghang na sauce. Sa presyong pasok sa budget, nakamura ka na, nabusog ka pa! Ngunit patok nga ba ito sa iyong kalusugan? Fishball, squidball, chickenball, kikiam, ito ang mga karaniwang itinitinda sa labas ng paaralan o sa mga kalye. Simpleng mga pagkain pero kapag binabad na sa mainit na mantika, nagiging mataba. Ayon sa DOST Reasearch Institute, ang mga pagkaing tusok-tusok ay wala talagang totoong karne, ito raw ay mataas sa sodium, mataas ang seasonings dahil kapag nilalasahan mo ang lasa niya kala mo totoong manok, at maraming kemikal pantagal buhay ng p