Malumay, Rolyn Mae
Kahirapan, isa sa mga pangunahing problem ng mga
tao at isa sa mga mabibigat na suliranin n gating bansa. Kahirapan, probem ng
karamihan, mahirap lutasan kung ikaw ay walang pakeelam. Ngunit saan nga ba
nagmula ang kahirapan? May dapat bang sisihin sa pangyayaring ito? O gawa mismo ng sarili nating kamay o
kagagawan?
Sa paghahanap ko ng impormasyon sa internet, sinasabing
“Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Kaya naghihirap ang mga tao maging an
gating bansa ay dahil daw sa kawalan ng mapapasukang trabaho ngunit madami ang
hindi sumasang-ayon sa dahilang iyan. Naniniwala ang iba na nasa tao ang
problema kung bakit sila naghihirap dahil sa pagiging mapili sa papasukang
trabaho. Madaming oportunidad na trabaho sa ating bansa,nakapagtapos man o
hindi/ edukado ka man o hindi, nasa gawa at pagsisikap ang lahat. Ngunit sa
kasamaang palad mas pinipili na lang nilang tumunganga, umupo at maghihintay na
lang ng darating na biyaya kaysa gumawa sila ng paraan upang mapadali ang
paghihintay nila. Pinapakita lang ng mga ito na ang mga Pilipino ay tamad at
‘di alam itaguyod ang sarili.
Isang paraan din upang maiwasan ang kahirapan sa ating
bansa ay ang pangingubang bansa ng ating mga kababayan o kapwa Pilipino lalong
lalo na ang mga kababaihan. Sa paraang ito mas naitataguyod nila ang kanilang
pamilya dahil na rin sa laki ng sahod at dahil kilala ang mga Pilipino sa
pagiging masipag at maaasahan. Ngunit kapalit din ng kanilang magandang buhay
ay ang pagkahiwalay o pagka-ulila sa mga mahal sa buhay.
Dahilan din sa pangingibang bansa ng ating mga kababayan
ay ang CORRUPTION o ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan/bansa na para sa
mga tao. Ito ang sinasabing pinakadahilan kung bakit naghihirap an gating
bansa, ang mga pera na dapat para sa bansa at tao ay ibinubulsa na lang ng mga
kurakot na politiko. Gawa din ng tinatawag na IMPERIALISMO ang pananakop ng
ibang bansa sa ating bansa. Isa rin ang GLOBALISASYON, ang pagsasananib puwersa
ng mga may kapangyarihan upang ikawalang karapatan ang mga mamamayan na kunin
ang dapat para sa atin.
Ang kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit mahirap
paring maituturing an gating bansa. Hindi man maipapangakong malulutas ito sa
mabilisang paraan, may mga pundasyon tayo na pwedeng itayo upang makabuo ng
pag-asa para magiba ang kahirapan.
https://www.google.com/url?sa=i&source=web&cd=&ved=2ahUKEwie_OzjiYThAhWy8XMBHaLHCYgQzPwBegQIARAC&url=https%3A%2F%2Femersonmactal.wordpress.com%2F2016%2F10%2F17%2Fkahirapan-sa-pilipinas%2F&psig=AOvVaw1DscRY3NtKLHW1RstO0WJ2&ust=1552736882704646
https://www.google.com/url?sa=i&source=web&cd=&ved=2ahUKEwie_OzjiYThAhWy8XMBHaLHCYgQzPwBegQIARAC&url=https%3A%2F%2Femersonmactal.wordpress.com%2F2016%2F10%2F17%2Fkahirapan-sa-pilipinas%2F&psig=AOvVaw1DscRY3NtKLHW1RstO0WJ2&ust=1552736882704646
Comments
Post a Comment