Araw. Apoy.
Init. Nagliliyab. Ito ang ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa
kasalukuyang sitwasyon ng ating mundo. Sa henerasyon ngayon kung saan mayroon
ng mga malalang kalamidad tulad ng mga nagdaang supertyphoon, ito’y
tila ba nagiging normal na para satin. Walang pagaalinlangan parin nating
inuubos at sinisira ang mga likas na yaman sa paniniwalang ito’y hindi mauubos,
ngunit, tayo’y nagkakamali, ang kalikasan ay nasa panganib na at kailangan nito
ng tulong natin.
Pagreresiklo
Ang
paglaban ng apoy sa apoy ay hindi ang pinakamabuting solusyon, ngunit, bakit di
natin subukan ang basura laban sa basura?
Upang
gawin ito, ang isa sa mga pinakaepektibong paraan any ang PAGRERESIKLO.
Ang isa sa mga mahirap mabulok na basurang nagpapadami sa nalilikom araw araw
ay ang mga bote at kagamitang plastic upang ito’y mabawasan dapat ay ating
iwasan ang minsanang gamitan ng mga kagamitang gawa sa materyales na ito.
Sa
iba’t ibang malikhaing paraan ay maari nating bigyan muli ng saysay ang mga
boteng ito (https://budgetdumpster.com/blog/diy-plastic-bottles-recycling/) tulad
ng, paggawa ng pen holder o kaya naman basket sa pamamagitan ng paggupit sa
bote at pagplantsa sa ibabaw upang maging mas makinis ang pagkakatapos. Mayroon
ding nauuso na kung tawagin ay ecobrick. Ang
ecobrick ay alternatibong kagamitan para sa mga bato o kaya hollowblock, ito ay
magagawa sa pamamagitan ng paglagay ng malilinis at tuyong plastic wrapper sa
loob ng plastic na bote. Ang mga ecobrick ay binibigyan tayo ng oportunidad na
kunin at akuhin ng buo ang responsibilidad sa mga plastic na nalilikom dahil sa
minsanang paggamit natin (www.ecobricks.org).
Pagbabago
Higit 91% ng
mga plastic sa mundo ay hindi
nareresiklo at napapadpad lamang sa mga kagubatan at karagatan. Upang labanan
ito, kailangan natin unti-unting gumawa ng paraan upang magkaroon ng PAGBABAGO.
Ang
pagdadala ng sariling baunan ng pagkain at tubig ay hindi lamang ang kalikasan
ang maliligtas at makokonserba, pati na rin an gating mga bulsa.
Ang
mga plastk na kutsara, tinidor at straw ay mapanganib para sa mga hayop at
kalinisan ng mga organismong nakatira sa mga kagubatan at karagatan. Bumili
tayo ng mga reusable na
kagamitan na maari nating idala kung san man tayo pumunta tulad ng mga metal straws, at
bamboo/wooden spoon and fork upang sa sussunod na kakain tayo sa labas
ay di na tayo gagamit ng mga plastic na hahantong lamang sa mga kagubatan at
karagatan. (Instagram.com/sipsteelstraws)
Pagkakaisa
Mahirap
magsimula ng pagbabago para sa ating kalikasan magisa, kailangan nito ng
matinding dedikasyon at pagmamahal sa ginagawa, simula ngayon, dapat ay maging
mas masusi na tayo at iwasan na nating ang mga gawaing nakasanayan na paninira
na ang naidudulot sa ating kalikasan. Pag tayo’y magkakaisa, ang pagbabagong
ating inaasam ay walang pagalinlangang makakamtan.
Atin ng
simulan ang pagtatanggol sa ating kalikasan!
Comments
Post a Comment