Skip to main content

ANG KULTURANG KOREANO SA BANSANG PINAS


Clamares, Rossenie Angelika O.


            Sa laganap na kasikatan ng kulturang Koreano sa Pilipinas, hindi na nakakagulat na ang ating bansa at ang mga mamamayan nito ay unti-unti nang siwalat na sa kulturang ito. Sa pagtaas ng popularidad ng mga K-drama, K-pop, at pati pa K-food, ang kulturang Koreano ay patuloy nang nilalamon ang ating bansa. Kung kaya’t hindi na rin imposibleng pati ang wika nila’y atin naring nais tanggapin sa puntong ito’y pinagdedebatehan ng mga opisyales ng ating bansa.

            Noong Nobyembre 2018, ibinalita ng Departamento ng Edukasyon ang pagpaptupad na ang wikang Koreano ay gagawing elektibo (DepEd, 2018). Ito ay nagdulot ng malaking usapin sa mga mamamayang Pilipino. Ang elektibong ito ay maaring maisalang-alang kung hindi ito sapilitan kundi opsyonal lamang sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng maiging pagsisiyasat, aking nabuo ang tatlong rason kung bakit dapat tayo’y maging bukas sa pagtanggap ng wikang Koreano bilang elektibo sa ating edukasyon:

BENEPISYO NG WIKANG KOREANO                                    
            Ang mga estratehikong benepisyo ng wikang Koreano bilang elektibo para sa mga interesadong Pilipino. Sa isang tekstong aking nabasa, 87,884 na Pinoy ang naninirahan sa South Korea (Commission on Filipino Overseas, 2011). Sa pamamagitan ng mga katunayan na ito, masasabing kapaki-pakinabang ang pagkakatuto ng wikang Koreano sa mga Pilipinong interesadong magtrabaho sa lakasyong iyon at maging rin sa mga Pilipinong nais tumahan sa lugar na iyon.

HINDI LANG DAPAT PARTIKULAR NA WIKA
            Ang gobyerno ay dapat magpatupad ng mga elektibong hindi naka-ayon sa iisang wika lamang. Alinsunod sa aking sinabi, ang gobyerno ay dapat magpasakatuparan ng iba’t ibang elektibong umaayon sa mga kagustuhan o interes ng mga estudyante. Sa ngayon, ang Foreign Service Institute(o FSI) ay nagpatupad ng mga wikang nabibilang sa elektibo ngayon, ito ay ang Arabe, Bahasa Indonesia, Pranses, Aleman, Mandarin, Nihongo at Espanyol na itinuturo sa mga piling akademya (FSI, n.d.). Dapat may pagpipilian ang mga estudyante upang mas magamit nila ang wikang kanilang nais aralin sa trabahong nais nilang pasukan sa panghinaharap.

PAGSULONG NG MGA PROGRAMANG PANG-EDUKASYON
            Ang pagpapaunlad ng mga programang pang-edukasyon ay dapat tutukan ng gobyerno at magpatupad ng mga mas makakatulong sa mga Pilipinong mag-aaral. Kung ating siyasatin, ang sinasabing integrasyon, ang wikang Koreano ay hindi dumaan sa mabuting pagpaplano, kumabaga biglaan ang ito kaya ang mga magulang at estudyante ay nabigla rin sa balita. Kaya nga’y dapat magsagawa ng mas malalim na pananaliksik upang mas maisulong ang kanilang mga panukalang pang-edukasyon, para na rin magabayan ang mga mamamayan at mga estudyante upang maiwasan ang hidwaan.

            Ang pagkatuto ng banyagang wika ay nakakatulong sa mga mag-aaral na pagalingin ang kanilang kasanayan sa pakikinig, pagbabasa, pagsusulat at panonood na mga pamantungan sa pagkuha ng kakayahang pangkomunikasyon sa pangalawang wika. Ito rin ay naglalayong pahusayin ang abilidad ng mga mag-aaral na sumali sa mga makabuluhang pakikipag-ugnayan sa paraan ng linguwistiko at kultural. Isang konsehal ng DepEd ay nagsabing “Spanish and Mandarin-speaking countries are huge markets for Filipino services, skills and talents”(Mateo, J., 2014). Sinasabi nitong nakaka-ambag sa serbisyong Pilipino, kasanayang Pilipino at talentong Pilipino, lalo na sa larangan ng merkado ang pagkatuto ng ibang lengguwahe. 







MGA SANGGUNIAN:
            DepEd. (2018, November 18). DepEd: Korean and Other Foreign Language Classes Elective, Not Replacement to Filipino. Retrieved from: http://www.deped.gov.ph/2018/11/18/deped-korean-and-other-foreign-language-classes-elective-not-replacement-to-filipino/
            Foreign Service Institute. (n.d.). Foreign Language Programs Retrieved from: http://www.fsi.gov.ph/foreign-language-programs/
            Mateo, J. (2014, June 15). DepEd Urged to Integrate Foreign Languages in K-12 Curricula. Retrieved from: https://www.philstar.com/metro/2014/06/15/1334880/deped-urged-integrate-foreign-languages-k-12-curricula

Comments

  1. Alexander Lee has Vietnamese roots and a descendant of Ly Long Tuong (aka Lee Yong Sang) Lee Myung Bak has Vietnamese ancestry despite being a Zainichi Korean.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ano Nga Ba Ang Maaaring Epekto ng Cyber Bullying sa Isang Tao?

Mangulad, Maya Lin Marami ang epekto ng Cyber Bullying sa isang tao tulad nalamang ng "insecurities" sa sarili, pagkakababa ng "self-confidence", pagiging malungkot at "negativity" sa sarili. Ang mga ito ay dahilan ng mga pangaasar o pangungutya ng mga tao sa mga pictures o videos na pinopost ng nabubully. Sa mga konting pangaasar nagsisimula ang lahat. Hindiman natin ito sinasadya ngunit ito pa rin ay may epekto sa nabubully. Sa konting iyon, kapag iyong pinagsama-sama ay magiging malaking problema na ito. Ito ay magsisimula sa pagiging "insecure" sa sarili, sa itsura, sa kilos at galaw, at sa mga pinopost. Kapag lumaki pa ito, magreresulta na ito sa pagkababa ng self-confidence. Nahihiya na lumabas o makisalamuha sa ibang tao. Kinalaunan, puro mga negatibo lamang ang naiisip nya tungkol sa sarili nya. Minsan sa sobrang pagkalungkot at pagooverthink sa mga bagay ay naiisip na lamang ng mga nabubully na magpakamatay na lamang upang di na ma

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa p

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging