Skip to main content

CAVRAA meet 2019


Flores, Lorenz Dominic


Ang cavraa meet ay isa sa pinakamalaking paligsahan ng mga elementarya at hayskul na atleta sa buong rehiyon 2. Dito nagpapakitang gilas ang mga atleta para makamit ang gintong medalya. Nagbibigay ng daan sa kanila upang maipakita ang kanilang husay o talento sa ibat ibang larangan ng isports.

 Dito kinukuha ang mga manlalaro para isabak sa mas malaking paligsahan. Ang Palarong Pambansa ay isang paligsahan na palaro kung saan nagtutungalian ang mga estudyanteng atleta mula sa labing pitong rehiyon sa bansa. Ang mga Palaro ay inoorganisa ng Kagawaran ng Edukasyon. Malaking oportunidad ito kung ikaw ay mapapasama o palarin na makapaglaro sa palarong pambansa. Ito'y magbibigay ng daan sayo upang maipakita sa labing pitong rehiyon ng bansa ang iyong galing. Maaaring magbigay din sayo ng daan upang makapag aral at mabigyan ng iskolar sa malalaking unibersidad at kolehiya sa maynila kung ikaw ay makikitaan ng potensiyal sa paglalaro at dahil dito may posibilidad na mas humusay ang isang manlalaro o atleta.


Bakit ginaganap ang CAVRAA taon-taon?

Ito'y ginaganap taon-taon para isabak ang mga napiling atleta sa Palarong Pambansa. Nakakatulong ito na mahasa at mas maging mahusay ang isang manlalaro at makamit ang kanilang mga pangarap. Balang araw ay mairerepresenta din nila ang ating bansa dahil sa kanilang galing sa isports.


Paano maging mahusay na atleta?









Bilang isang mahusay na atleta, pokus at dererminasyon ang kailangan, hindi tulad kong puro laro at pangaasar ang tanging inaatupag. Ayos na sana, kabilang na sana ako sa ELITE team kung nageensayo lang sana ako ng masinsinan. Malakas pa naman daw ang aking potensiyal. Pokus, tiyaga, determinasyon, at tamang pamamaraan ng ensayo, mga katangiang dapat taglayin ng isang atleta. Ibilang mo na rin doon ang pagiging mapagpakumbaba at self-esteem kung tawagin (tiwala sa sarili daw pala pagtrinansleyt sa tagalog).Kung may itsura ka at magaling ka, (patay ka) ikaw ang bida sa paningin ng lahat ng kalalakihan. Maganda ka na, magaling ka pa. Sa mga kababaihan, kung nakakamatay ang tingin siguro matagal ka ng bumulagta sa sahig. Paano nasa iyo na lahat ng atensiyon eh. Pero hindi nila alam na pressure din at nakakainis minsan ang maging bida at magaling. Kasi maraming inaasahan sa iyo ang mga tao. Kaya sa isip mo kailangang ipanalo mo ang lahat para hindi mo sila madismaya.


Ang pagiging atleta ay para sa lahat. May kapansanan ka man o wala pwede ka maging atleta. Hindi hadlang ang kapansanan upang ikaw ay maging isang mahusay na manlalaro.

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging ...

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabulu...

Epekto ng Social Media Sa Mag-aaral at Edukasyon

Ilac, Ena Luz May dalawang bilyong tao ang aktibong gmagamit ng social media sa buong mundao at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon ng isang tao. Dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Sa kasalukuyan, mapa bata man o matanda ay gumagamit na ng socil media. Kahit ang mga batang 3 taong gulang pa lamang ay marunong ng gumamit nito. Ako ay magbibigay ng impormasyon at aking itatala ang mabuti at hindi mabuting dulot ng socia media sa ating buhay. Una, ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang instrumento kung saan tayo ay makakahap ng mga impormasyon. Gamit ang social media, maaari nating mas mapalawk ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay na nasa ating kapaligiran na maaari nating magamit sa ating pang araw araw na buhay. Maaari din nating i-post/ ipahayag ang ating mga ideya o mga nais sabihin sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang uri ng social media, gaya na lamang ng facebook, at twitter. Maaari din tayo...