Skip to main content

UAAP: DLSU Lady Spikers mag 4-peat nga ba ngayong Season 81?




Aguilar, Felice Anthony



Ano ang UAAP?
Ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP), na itinatag noong 1938 ay isang samahang pampalaksan ng walong pamantasan sa Pilipinas. Taun-taon ang mga koponan mula sa walong kasaping-pamantasang ito naglalaban-laban sa 14 na palakasan.

Ano nga ba ang DLSU Lady Spikers?

Ang DLSU Lady Spikers ay opsiyal na Women's Volleyball team ng De La Salle University. Ang unang panalo ng Lady Spikers sa UAAP ay nuong Season 62 (1999-2000). At nanalo din sila nuong Season 66, 67 at 68 tatlong sunod sunod na pagkapanalo, Season 71, Season 73, 74 at 75 (dalawang beses na 3-Peat) Season 78, 79 at 80 (tatlong beses na 3-Peat) bali sila ay mayrong 11 na kampyonato.
Ano nga ba ang history ng Lady Spiker?

Nuong 2009 Season ay nanalo sila laban sa FEU sa tulong ng Team Captain at MVP na si Manilla Santos,
2010-2011 Season ang Lady Spikers na sina Abigail Maraño, Michele Gumabao, Charleen Cruz, Stephanie Mercado at Season MVP na si Jacqueline Alarca ay tinalo ang UST sa Finals.

2011-2012 Season nilampaso ng Lady Spikers ang iba't-ibang team upang madaling makatung-tong sa finals sa tulong ng mga bagong manlalaro na sina Ara Galang at Mika Reyes. Natalo nila ang kanilang 'rival team' na Ateneo Lady Eagles ng tatlong sets.
2012-2013 Season ay nasungkit ulit nila ang kampyonato kontra Ateneo sa tulong ng Season MVP at best blocker na si Aby Maraño, Co-MVP na si Ara Galang.

2014-2015 Season ay inaasam ng Lady Spiker ang makamit ang kanila apat na beses na pagkanalo ngunit sila ay nabigo at nakuha ng Ateneo Lady Eagles ang dalawang kampyonato sa tulong ng MVP na si Alyssa Valdez.
2016 Season pagkatapos matalo ng DLSU Lady Spiker noong Season 76 at 77 ay mas lumakas at naging matatag sila dahil sa kapitana nila na si Ara Galang na na-injured noong Season 77 at dahil dun ay naibalik nila ang kampyonato sa taft.

2017-2018 Season ay nagtuloy-tuloy ang kanilang pagkanalo at nagkaroon na sila ng 11 na titolo, ngunit hinde pa nila nagagawa ang kanilang pangarap na magka 4-Peat.

2019 Season ngayon ay kumbaga ay para silang nagsimula ulit sa una dahil nawala ang kanilang beterano na sina Majoy Baron, Dawn Macandili at Kim Dy. Ngunit may mga bagong manlalaro ang DLSU na naniniwala sila na kahit mga baguhan palang ay parang beterano na ang kanilang galaw, dag-dag ng Season 79 Finals MVP at Season 81 Team Captain na si Desiree Cheng na "Hopefully, sana makuha namin. We are working hard naman para makuha ‘yung 4-peat kasi syempre, gusto namin lahat ‘yun. And hindi lang naman kami, it’s for the Lasallian community.”


Comments

Popular posts from this blog

Ano Nga Ba Ang Maaaring Epekto ng Cyber Bullying sa Isang Tao?

Mangulad, Maya Lin Marami ang epekto ng Cyber Bullying sa isang tao tulad nalamang ng "insecurities" sa sarili, pagkakababa ng "self-confidence", pagiging malungkot at "negativity" sa sarili. Ang mga ito ay dahilan ng mga pangaasar o pangungutya ng mga tao sa mga pictures o videos na pinopost ng nabubully. Sa mga konting pangaasar nagsisimula ang lahat. Hindiman natin ito sinasadya ngunit ito pa rin ay may epekto sa nabubully. Sa konting iyon, kapag iyong pinagsama-sama ay magiging malaking problema na ito. Ito ay magsisimula sa pagiging "insecure" sa sarili, sa itsura, sa kilos at galaw, at sa mga pinopost. Kapag lumaki pa ito, magreresulta na ito sa pagkababa ng self-confidence. Nahihiya na lumabas o makisalamuha sa ibang tao. Kinalaunan, puro mga negatibo lamang ang naiisip nya tungkol sa sarili nya. Minsan sa sobrang pagkalungkot at pagooverthink sa mga bagay ay naiisip na lamang ng mga nabubully na magpakamatay na lamang upang di na ma

Epekto ng Makabagong Teknolohiya

Lannnao, Mich Ysabel Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.                   Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa p

Kahirapan: Problema ng Bayan

Bargado, Jomariez Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. "Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas" Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Ang labis na kahirapan ito ang naging